Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, January 22, 2008

ABS-CBN: Tuloy ang laban sa AGB-Nielsen


Kahit man nabigo ang ABS-CBN sa kanilang kaso laban sa AGB-Nielsen Media Research Philippines, magpupursigi pa rin ang kapamilya network sa paglalantad ng katotohanan ukol sa ratings. Ito ang kanilang inihayag pagkatapos na i-dismiss ng Quezon City Regional Trial Court ang civil case dahil sa isang technicality. Nagfile ng motion for reconsideration ang ABS-CBN.
Kamakailan lang ay iniharap sa media ang informant na si Mark Dumago, na siya ring unang lumapit sa ABS-CBN Bacolod upang ibunyag ang mga anomalya sa ratings. Ayon kay Dumago, isang TV official at isang AGB insider ang siyang nasa likod ng manipulasyon sa ratings. Ikinuwento din ni Dumago kung paano sila nilapitan ng opisyal ng isang TV station upang kumbinsihin ang mga miyembro ng panel homes na manood sa naturang istasyon lamang.
Nakai-schedule si Dumago na dumalo sa korte bilang saksi sa kaso laban sa AGB-Nielsen.
—Cherry S. Pineda

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home