Walang kinalaman ang Cable sa anomalya sa ratings
Sinagot ng ABS-CBN ang isyu tungkol sa pagkaiba ng ratings sa Cable at Non-Cable homes. Matatandaan na may isang network ang kumwestiyon sa malaking pagkaiba ng ratings sa cable at non-cable homes kung saan malaki ang pagkataas ng ratings ng kapamilya network sa cable.
Ayon kay ABS-CBN Head of Research and Business Analysis Vivian Tin, lumalakas ang signal ng ABS-CBN kapag may cable kaya marami ang nanood sa kapamilya channel kaysa sa non-cable kung saan madalas ay malabo ang signal. Hindi ito maaring sabihin senyales na may anomalyang nagaganap sa ratings.
Inilinaw din ni Ms. Vivian na ang isyu ngayon sa ratings ay ang pagbibigay ng allowance at grocery sa mga panel homes na nagiging sanhi ng anomalya.
Labels: ABS-CBN, AGB-Nielsen
0 Comments:
Post a Comment
<< Home