Image hosted by Photobucket.com

Friday, September 29, 2006

The Buzz ngayong Oktubre

Mabusog sa ibat ibang maiinit na balita dahil siksik na naman sa hot news ang October issue ng The Buzz Magasin. Una na ang tungkol sa boyfriend ni Alessandra de Rossi na si Jeremy Marquez at ang talbog na tsekeng sustento daw ng actor sa kanyang anak. Nakakapaso naman ang balita tungkol sa diumanong presong ex-boyfriend daw ni Claudine Barretto na nagngangalang Orlando Apostol. Eto pa, pumapapel na raw ang ama ni Kim Chiu ngayong kumikita na ang PBB Teen Winner.
Para naman sa loyalists ni Ate Vi, alamin ang plano ng Star for All Seasons sa show biz sakaling mag-quit na siya sa politika.
May titindi pa ba sa balitang amoy Chlorox ang hininga ni Papa Piolo?
At di lang yan, bongga ang pahulaan sa Page 13 at ang blind items tungkol sa Karsonsilyo ng Aktor, Ang TV Host na dedma sa pamilya, at Ama ng Singer-Aktres na nahuling may kabit.
Maagang Pamasko naman para sa readers ang pagsasama-sama ng limang pinakasikat na actors ngayon na sina Piolo, Sam, Zanjoe, Diether at John Lloyd sa centerfold. At ang pagpapa-sexy ni Kaye Abad sa Maxim Philippines, meron din kami non.
Wala ka nang hahanapin pa dahil super dami rin ng photo coverage gaya ng Crazy for You sa Barcelona, Spain, Presentation Night ng Pinoy Dream Academy sa Cebu, at ang pamamasyal nina Judai at Ryan Agoncillo sa America.
At, di pa riyan nagtatapos ang intriga package ng number one showbiz-oriented magazine ng bansa ngayong Oktubre, ang THE BUZZ siyempre. Alamin ang ligaw tips mula sa inyong favorite stars sa aming forum tungkol sa panliligaw!

Saturday, September 09, 2006

The Buzz on Radio

You've read his articles in The Buzz Magasin, now hear him talk about the September issue. Editor in Chief Benjie Felipe guests on WRR 101.9 and even reveals a few tidbits. You can download a large file which is around 5 MB or a small file which around 1.5 MB. Just click on the links!

Mga utoy at ineng, kung gusto ninyong mapakinggan si Tsonkibenj sa isang interview, i-download langang kanyang tsikahan sa WRR 101.9. Kung gusto ninyo ng malaking file, dito kayo makakuha ng kopya. Kung maliit na file naman, dito naman kayo.