Image hosted by Photobucket.com

Wednesday, March 12, 2008

Sandara: Kinainggitan ng fans sa Korea

Nabalitaan namin na may mga babaeng fans sa Korea ang naiinis kay Sandara Park ngayon. Dahil ito sa music video na I'm Sorry mula sa singer na si Gummy kung saan gumanap na leading lady si Sandy kasama si TOP na miyembro ng boy band na Big Bang. May kissing scene si Sandy at si TOP sa nasabing music video kaya naman ang ibang fans ay galit sa Star Circle Quest runner-up. Si Gummy, TOP, at Sandy ay miyembro ng YG Entertainment artist management group.

Nang mabalitaan na may kissing scene sa music video ay maraming fans ang nagrequest na makita ang preview nito. Nang i-release ng YG Entertainment ang iilang photos ay biglang tumaas at naging number one ang ranking ni Sandy sa Internet searches sa Korea. Sinabi din ng YG Entertainment na posibleng gumawa din ng TV series si Sandy.

Ini-release ang music video ngayong araw kasabay ang album ni Gummy.
Ito ang music video na naka-post sa YouTube.


--Cherry S. Pineda


Labels: , ,

Tuesday, March 11, 2008

Inside the Cinema ni Boy Abunda


May bagong show si Boy Abunda sa Cinema One na matagal na din niyang naging dream project. Ayon sa naikwento sa amin ng ilang taga-Cinema One, nakiusap si Boy kina ABS-CBN Vice President Charo Santos at Cinema One Channel Head Ronald Arguelles upang maisatupad ang programang ito. Hango sa Inside the Actor’s Studio, isang programa sa US na hinohost ni James Lipton, ang Inside the Cinema ay magfo-focus sa isang artista, director, producer, writer, etc. at tatalakayin ang kani-kanilang career sa showbiz. Sa mga naunang nakunan na episodes pa lang ay marami nang natuklasan si Boy mula sa paunauhin niyang sina Chanda Romero, Pilita Corrales, Michael de Mesa at Joel Torre. Maaasahan na marami pang mga revelations ang maihahatid ni Kuya Boy at ng Inside the Cinema.
Ang Inside the Cinema ay ipinapalabas tuwing ikalawang Martes ng buwan sa Cinema One.

Labels: , , ,

Monday, March 10, 2008

Napaiyak si Kim


Napaiyak sa tuwa si Kim Chiu nang malaman niya na siya ang napiling bida sa Pinoy version ng Koreanovelang My Girl. Nadiskubre niya ito habang pinapanood ang video presentation para sa bagong season ng Dream Big shows na Pinoy Big Brother Teen Edition Plus at Pinoy Dream Academy Season 2. Ipinakita sa video na ang lahat nang napagdaanan ng dalaga mula nang manalo siya sa PBB Teen Edition Season 1 at ang mga bagong projects niya tulad nga ng nasabing My Girl. Hindi makapagsalita at napaluha na lang si Kim sa sobrang pagkagulat at saya. Tiyak na matutuwa ang Kimerald fans lalo nang na-confirm na si Gerald Anderson ang magiging kapareha niya dito.

Labels: ,