Image hosted by Photobucket.com

Monday, June 16, 2008

Clarification mula sa mga pamilya ni Ces at Jimmy

Nilinaw ng mga pamilya ni Ces Drilon at Jimmy Encarnacion na hindi sila
direktang nakikipag-usap sa mga kidnapper. "Si Mayor Isnaji lamang ang
nakikipag-negosasyon sa mga kidnapper dahil siya ang hiniling ng mga
kidnapper na magsilbing emisaryo. Kaya naman lubos kaming umaasa at
nagpapasalamat sa kanyang tulong na mapalaya sina Ces at Jimmy."

Ikinagulat ng pamilya ni Drilon ang balita na nahihirapan si Isnaji na
makipag-negosasyon sa mga kidnapper dahil nakikialam ang kanilang
pamilya. "Nakipagkita kami kay Mayor Isnaji kahapon sa Zamboanga City.
Alam ni Mayor na hindi kami nakikipag-usap sa mga kidnapper at umaasa
lamang sa kanya. Tiyak din kami na hindi nakikipag-usap sa mga kidnapper
ang ABS-CBN."

Muling nakiusap ang mga pamilya nina Ces and Jimmy sa media na mag-ingat
sa pagbabalita tungkol sa negosasyon at usaping ransom dahil nakataya
ang buhay nina Ces at Jimmy.

Labels: , ,

Official Statement Mula sa ABS-CBN

Lubos na ikinalulungkot at ikinababahala ng ABS-CBN ang mga paratang na inabandona namin sina Ces at Jimmy.

Habang tumutulong kami sa mga pamilya ng biktima, ipinapairal ng ABS-CBN ang "no ransom policy" o ang patakarang huwag magbayad ng ransom sa sinumang kidnapper.

Hindi dapat magbayad ng ransom dahil lalo lamang lalakas ang loob ng mga kidnapper na dumukot ng ibang taga-media at ordinaryong mamamayan.

Labels: , ,

Friday, June 13, 2008

Statement ng mga pamilya nina Ces Drilon at Jimmy Encarnacion

We, the families of Ces Drilon and Jimmy Encarnacion, are happy and deeply relieved that Angelo has been freed. We appeal to the kidnappers to also immediately release Ces and Jimmy as an act of compassion and humanity. We thank everyone for praying for us in this most difficult time.

Labels: , ,

Wednesday, June 11, 2008

Ransom ang hinihingi para sa grupo ni Ces Drilon

Kinumpirma ng ABS-CBN News na kinidnap sa Sulu ng di kilalang grupo sina
Ces Drilon, Jimmy Encarnacion, at Angelo Valderama.

Humihingi ng ransom ang mga kidnapper.

Habang ginagawa ng ABS-CBN News ang lahat para tulungan ang pamilya ng
mga bihag, mahigpit nitong ipinatutupad ang “no ransom policy” o ang
patakarang huwag magbayad ng ransom sa sinumang kidnaper.

Ipinaliwanag ng pamunuan ng ABS-CBN News na hindi ito nagbabayad ng
ransom dahil lalo lamang lalakas ang loob ng mga kidnapper na dumukot ng
ibang taga-media at ordinaryong mamamayan.

Patuloy na tumutulong ang ABS-CBN News sa mga pamilya ng aming news
team.
Hiling ng ABS-CBN ang panalangin ng bayan. Panawagan din po namin sa
aming mga kasamahan sa propesyon na ikundena ang walang habag na
pagdukot sa malayang media.

Nagpapasalamat kami sa ipinamalas na suporta ng lahat sa gitna ng krisis
na ito.

Labels: , ,

Tuesday, June 10, 2008

Pahayag ng ABS-CBN ukol kay Ces Drilon

Tatlong mamamahayag ng ABS-CBN News ang nawawala sa Sulu -- sina Ces
Drilon, Jimmy Encarnacion at Angelo Valderama.

Ginagawa na ang lahat para sila ay mahanap at maiuwi sa lalong madaling
panahon. Habang inaalam pa ang lahat ng detalye, nakikiusap ang ABS CBN
News sa kapwa namin mamamahayag na mag-ingat sa kanilang ibabalita,
alang-alang sa kaligtasan nila Ces at kanyang crew.

Nakikipag-ugnayan ang ABS CBN News sa mga pamilya at hinihiling namin na
igalang natin ang kahilingan nilang huwag humarap sa media.

Labels: ,