Image hosted by Photobucket.com

Friday, February 29, 2008

The Buzz Magasin sa March


Ang totoo sa showbiz hiwalayan dito niyo lang mababasa sa March issue ng The Buzz Magasin. Piolo Pascual iniwan na nga ba talaga ni Rica Peralejo? At bakit dine-deny ni Angel Locsin si Luis Manzano? Ang isang nakakagulat na balita ay hindi pa nga umaamin sina Anne Curtis at Sam Milby ay nag-break na pala. Si Ogie Alcasid naman ay nagkwento sa amin ng kanyang mga sinakripisyo para maging sila ni Regine Velasquez. Tiyak na papakaabangan niyo ang romansang KC Concepcion at Richard Gutierrez. Inamin na ni Richard na si KC ang kanyang bagong crush. Hindi talaga magpapatalo si Gretchen Barretto dahil may pinasabog siya tungkol kay Marjorie Barretto. Ano pa ba ang inyong hinihintay? Bili na ng March 2008 issue ng The Buzz Magasin para alam niyo ang latest sa showbizlandia.

Labels:

Thursday, February 28, 2008

Gretchen Barretto, singer na


Pinagkaguluhan si Gretchen Barretto sa kanyang album launch kamakailan. Kalalabas pa lang ng bailta tungkol sa hidwaan nila ni Nadia Montenegro at nakiusap na lang si Greta na huwag na siyang tanungin tungkol sa isyu.
Matagal na ding gusto ni Gretchen gumawa ng album, lalo nang naghihintay pa rin siya ng go signal mula kay Tonyboy Cojuangco para makagawa siya ng pelikula. Malakas ang benta ng album at marami ang nagulat na may talent pala ang kontrobersyal na aktress sa pagkanta.
Balita namin na may balak si Gretchen na gumawa ng teleserye sa ABS-CBN at di rin malayo na gumawa siya ng project para sa Star Cinema.

Labels: , , ,

Tuesday, February 26, 2008

Gabby Concepcion Balik Pilipinas?

May nagbulong sa amin na posibleng bumalik si Gabby Concepcion sa Pilipinas para gumawa ng pelikula. Ayon sa aming source, may isang manager na kumakatawan sa dating Regal baby ang nakikipagusap sa isang film outfit para sa comeback movie ni Gabby. Inaayos na lang diumano ang talent fee kaya halos 100 % sure na sure na daw ang project. Posible din daw na si Angel Locsin ang magiging katambal ni Gabby.
—Cherry S. Pineda

Labels: , ,

Friday, February 22, 2008

Regine V. sa MMK

Nagbabalik si Regine Velasquez sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi. Mahigit dalawang taon na nang huling napanood si Regine sa MMK kung saan katambal niya si Piolo Pascual. Sa husay ng kanyang pag-aarte ay nanalo pa siya ng Best Actress mula sa Star Awards.
Ngayon naman ay makakasama niya sina Albert Martinez, Mickey Ferriols, at Christian Vasquez sa isang madramang pagtatagpo sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. Umiikot ang kwento sa dalawang dating magkasintahan na sariling pamilya na. Pero dahil may nararamdaman pa sila sa isa't isa ay hindi pa rin sila tuluyang magkahiwalay.
Abangan ang MMK pagkatapos ng Maging Sino Ka Man.

Labels: , ,

Thursday, February 21, 2008

Tonight on ESP

Iza Calzado’s character Cassandra is confined at a penitentiary where she meets a restless spirit. Cassandra also has her hands full when her rival reporter insists on interviewing her.
Also stars Francine Prieto and Alfred Vargas.
ESP airs on GMA after Coffee Prince.

Labels: ,

Tonight on Kamandag

After the death of her child, Kuran (Francine Prieto), ventures into the human world to abduct Reyna Alicia (Eula Valdez) on the orders of Ragona (Sunshine Dizon).
Kamandag airs on GMA after Joaquin Bordado.

Labels: ,

Friday, February 15, 2008

Nasa TV na si KC

Napaiyak si KC sa nerbiyos sa kanyang press con para sa Maalaala Mo Kaya

Mamayang gabi na ang unang pagkakataon na lalabas si KC Concepcion bilang isang actress sa Maalaala Mo Kaya. Sasabak na din sa wakas ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta sa isang madramang episode bilang si Darlene, isang anak mayaman na naghirap nang namatay ng di inaasahan ang kanyang ama. Kasama din sa MMK mamaya sina Ricky Davao, Agot Isidro, Yayo Aguila, Derek Ramsay, at Martin Del Rosario.

Sa TV plug pa lamang ay napansin ng press ang pagaarte ni KC na all-out effort para sa kanyang TV debut. Aasahan namin na kakaibang KC Concepcion ang mapapanood namin sa MMK.

Labels: ,

Wednesday, February 13, 2008

Aktress Nanganak Na

May nagbalita sa amin na ang isang starlet na matagal nang nawala sa sirkulasyon ay nanganak na. May usap-usapan noong kakatapos pa lang ng kanyang teleserye na buntis nga ang dalaga. Ang naging sagot lang ng kanyang manager sa mga tanong naming noon ay nagpapahinga lang ang dalaga sa probinsya. Meron pa ngang tsismis noon na nagpa-breast augmentation surgery lang ang dalaga at nagtatago sa publiko. Ngayon ay alam na ng lahat ang tunay na dahilan ng kanyang “pagpapahinga.”
Ang artista na ito ay minsang nasangkot sa kontrobersiya nang siya’y nag-guest sa isang noontime show. Nagkaproblema ang naturang show sa MTRCB nang magkaroon siya ng “wardrobe malfunction.”

Labels: , ,

Monday, February 11, 2008

The Women of Palos

Roxanne and Bangs share a light moment at the presscon

Nagkaintrigahan sa presscon para sa leading ladies ng Palos dahil kina Roxanne Guinoo at Bangs Garcia. Nahuli si Roxanne ng pagdating dahil nanggaling pa siya sa isang taping. Tapos na ang press con at nagpapainterview na ng one-on-one sina Carla Humphries, Wendy Valdez, Regine Angeles, at Bangs Garcia bago dumating si Roxanne na mukhang fresh na fresh pa sa shower sa kanyang kulot na buhok.
Nung panahon na iyon, lumabas na ang balita na nagbreak na sina Roxanne at ang leading man niya sa Palos na si Jake Cuenca. Iniuugnay naman si Bangs—na isa sa mga leading ladies ni Jake—sa binata dahil sa mga matitinding kissing scenes nila at sa balitang nakita silang nagdadate. Itinanggi ni Bangs na may namamagitan sa knaila ni Jake na ginawa naman biro ni Roxanne. Kakaiba si Roxanne nung press con dahil reading-ready siya sumagot sa questions ng press at tinutukso pa niya si Bangs kay Jake. Senyales ba ito na naka-“move on” na ang dalaga?
—Cherry S. Pineda

Labels: , ,

Friday, February 08, 2008

Ang Bagong Palos

Si Cesar Montano at Jake Cuenca
Bago pa man umpisahan ang press con para sa mga lalaking bida ng Palos ay nasabihan na ang press na walang personal questions daw sana ang itanong. Dahil sa panahon na yun ay mainit pa ang balita na nakipaghiwalay sina Cesar Montano at Sunshine Cruz at si Jake Cuenca naman kay Roxanne Guinoo. Kaya natawa na lang ang lahat ng nabanggit ni Direk Toto Natividad na mayroong Brazilian models na kasama sa cast. (Brazilian model ang balitang dahilan sa hiwalayang Cesar-Sunshine).
Kasama din sa cast sina Sunshine Cruz at Roxanne Guinoo na mga iilang episodes lang kung saan lumabas ang ginanap nilang mga character dahil sa mamatay ang mga ito agad.
Ilang linggo na nagpapakitang gilas sina Cesar at Jake bilang ang mga bagong Palos. Asahan ninyo na marami pang mas kaabang abang na eksena sa teleserye na ito.

Labels: ,

Thursday, February 07, 2008

Malaya na si Willie?

May nagbulong sa amin na tapos na daw ang kasong annulment nina Willie Revillame at Liz Almoro. Halos dalawang taon din nagtagal ang pagdidinig sa kaso na naging laman ng lahat ng dyario dahil sa mga akusasyon ng pambubugbog at pagmamaltrato. Kahapon lang daw inilabas ang desisyon ng korte ngunit wala pang kumpirmasyon na galing mismo sa mga kinauukulan.
--Cherry S. Pineda

Labels: ,

Ang Bagong Show ni Francine Prieto

May bagong show si Francine Prieto para sa Chinese New Year.
Kasama ni Francine sina Iza Calzado at Alfred Vargas sa ESP, isang drama/suspense series tuwing Huwebes, 10:30 pm sa GMA.
Si Iza ay gumanaganap bilang isang TV reporter na may ESP at kada episode ay may multo na humihingi ng tulong niya. Si Francine naman ang kanyang karibal na reporter mula sa kalaban na TV station.
—Cherry S. Pineda

Labels: ,

Monday, February 04, 2008

71 Dreams Foundation for 2008

Nagpapatuloy pa din ang 71 Dreams Foundation sa hangad nitong matulungan ang mga pamilyang naging biktima sa Ultra tragedy noong 2004. Merong 53 pamilyang natulungan sa programang pangkabuhayan at 98 estudyante na nabigyan ng scholarship.
Marami pang plano ang 71 Dreams Foundation sa 2008, kasama na din ang pagbibigay ng tulong sa iba pang nangangailangan na kapamilya.

Labels: ,

Friday, February 01, 2008

Usapang Puso Siyempre!


Patok na naman ang February 2008 ng paborito ninyong numero unong tsikadorang magasin sa Philippine showbizlandia. Sa kabila kasi ng mga maiinit na tsismis, usapang puso pa rin ito kasi naman ay natapat na idaraos ang Valentine’s Day habang nasa mga bookstores at newsstands na ito. Wish namin na makakuha pa sana kayo ng kopya.
So, anu-ano ba ang mga tsismax to the max?
Well, naka-scoop ang The Buzz Magasin nang isang asset namin (we call these assets as ‘buzzeros’) na naghiwalay nap ala ng landas ang hottie na director na si Lino Cayetano at ang bagong crush ng bayan na mega daughter na si KC Concepcion. Kung ano ang dahilan at ni hindi sila nakapag-celebrate ng Araw ng mga Puso together—detalyado sa loob.
At humahataw nga ba ang career nina Juday, Angel at ang magbabalik-TV na si Claudine. Pero ang hirit ni Kris Aquino (fresh from her successful thriller Patayin sa Sindak si Barbara at kasalukuyang nagpapaikot ng magandang kapalaran sa Wheel of Fortune), tabi muna kayo, mga ineng—ako pa rin ang reyna!
May bagong look din ang The Buzz Magasin ngayon para sariwa ang dating sa mga mata ng readers. At bukod sa siksik na mga balitang showbiz, pampagana rin ang graphic novel na Timawa na simula sa isyung ito ay four pages na.

Labels: ,