Image hosted by Photobucket.com

Wednesday, January 30, 2008

Si Tsong at si Lucy

Si kasamang Tsongkibenj ay dumalo sa Spa Party ng Del Monte Fiber-Enriched Pineapple Juice at ng StarStudio sa Neo Day Spa sa The Fort na ginanap kaninang hapon. Nakihalubilo si Tsong sa mga artistang tulad nina Lucy Torres-Gomez (ang bagong endorser ng Del Monte Fiber-Enriched Pineapple Juice), Carla Humphries, Dominic Ochoa, Geoff Eigenmann, AJ Dee, at Dimples Romana. Nagenjoy ang lahat sa mga spa treatment at pakikipagtsikahan. Asahan ninyong marami pang party ang dadaluhan ng The Buzz Magasin.

Labels: ,

Actress nakipaghiwalay na sa partner?

Lumalakas ang usapan na nakipaghiwalay na ang isang kontobersyal na actress sa kanyang live-in partner na miyembro ng isang buena familia na nagmamayari ng ilang kumpanya sa Pilipinas. Ayon sa balita ay isang abogado na kapatid ng isang pulitiko/newsman na ang bagong kinakasama ng sinasabing actress. Matagal na daw bulung-bulungan ang relasyon ng dalawa pero kamakailan lang ito nakipaghiwalay. Wala pang balita kung kanino nakatira ngayon ang anak ng actress sa kanyang partner

Labels:

Monday, January 28, 2008

One Gr8 Jan. 28 in 08


Ngayong gabi na ang unang palabas ng tatlong malalaking teleserye ng ABS-CBN. Pinakita sa media sa isang engrandeng press con noong Biyernes, January 25, ang pinakabagong na projects ng Kapamilya network.
Mangunguna ang Kung Fu Kids pagtapos ng TV Patrol. Si Jairus Aquino na nakilala bilang sidekick ni Makisig Morales sa Super Inggo ang siyang bida dito. Siya ang gaganap sa papel na Lembot, isang batang sakitin na madalas mapagalitan ng ama niyang pulis (Wowie de Guzman) dahil sa kahinaan ng kanyang katawan. Dahil sa hangad niyang lumakas at nang hindi tawaging lampa, hihingi siya ng tulong mula sa isang kung fu master (Sid Lucero).
Susunod naman ang Lobo, ang matagal ng hinihintay na teleserye kung saan magkatambal sina Piolo Pascual at Angel Locsin. May angkan ng taong lobo na siyang target ng militar. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana ng magkagusto ang isang babaeng lobo at isang sundalo.
Sina Cesar Montano at Jake Cuenca ang mga gaganap bilang bagong Palos. Si Gian Carlo (Jake) ay naulila ng mapatay ang kanyang ina ni Fabio (Cesar).
Abangan ang mga bagong teleserye na ito sa Primetime bida ngayong gabi na.

Labels: , ,

Friday, January 25, 2008

Walang kinalaman ang Cable sa anomalya sa ratings

Sinagot ng ABS-CBN ang isyu tungkol sa pagkaiba ng ratings sa Cable at Non-Cable homes. Matatandaan na may isang network ang kumwestiyon sa malaking pagkaiba ng ratings sa cable at non-cable homes kung saan malaki ang pagkataas ng ratings ng kapamilya network sa cable.
Ayon kay ABS-CBN Head of Research and Business Analysis Vivian Tin, lumalakas ang signal ng ABS-CBN kapag may cable kaya marami ang nanood sa kapamilya channel kaysa sa non-cable kung saan madalas ay malabo ang signal. Hindi ito maaring sabihin senyales na may anomalyang nagaganap sa ratings.
Inilinaw din ni Ms. Vivian na ang isyu ngayon sa ratings ay ang pagbibigay ng allowance at grocery sa mga panel homes na nagiging sanhi ng anomalya.

Labels: ,

Tuesday, January 22, 2008

ABS-CBN: Tuloy ang laban sa AGB-Nielsen


Kahit man nabigo ang ABS-CBN sa kanilang kaso laban sa AGB-Nielsen Media Research Philippines, magpupursigi pa rin ang kapamilya network sa paglalantad ng katotohanan ukol sa ratings. Ito ang kanilang inihayag pagkatapos na i-dismiss ng Quezon City Regional Trial Court ang civil case dahil sa isang technicality. Nagfile ng motion for reconsideration ang ABS-CBN.
Kamakailan lang ay iniharap sa media ang informant na si Mark Dumago, na siya ring unang lumapit sa ABS-CBN Bacolod upang ibunyag ang mga anomalya sa ratings. Ayon kay Dumago, isang TV official at isang AGB insider ang siyang nasa likod ng manipulasyon sa ratings. Ikinuwento din ni Dumago kung paano sila nilapitan ng opisyal ng isang TV station upang kumbinsihin ang mga miyembro ng panel homes na manood sa naturang istasyon lamang.
Nakai-schedule si Dumago na dumalo sa korte bilang saksi sa kaso laban sa AGB-Nielsen.
—Cherry S. Pineda

Labels: ,