Image hosted by Photobucket.com

Saturday, May 31, 2008

Matanglawin may bagong timeslot

Madaming kabataan pati na kanilang magulang ang nag-email, tumawag at sumulat sa Matanglawin mula nang magsimula ito noong March 24. At dahil pinahahalagahan namin ang mga manonood na walang sawang tumatangkilik ng programa kahit na kadalasan ay gabing gabi na ito pinalalabas… good news! Lumipat na sa bagong timeslot ang paborito ninyong reality adventure program. Simula ngayong June 1, mapapanood na ang Matanglawin tuwing Linggo alas diyes ng umaga!

Abangan ngayong Linggo, magiging mapangahas ang Matanglawin at haharapin ang mga makamandag at mabangis na hayop tulad ng mga buwaya at king cobra na matatagpuan dito sa Pilipinas!

Magiging mapanuri sa mga kakaibang talento nina Strongman na kayang humiga sa bed of nails, si Blademaster na ginagawang bubblegum lang ang mga blade na ginagamit pang-ahit, si Espada King na kayang kumakain ng mahabang espada at si Dragon Man na daig pa ang dragon dahil kayang bumuga ng apoy.

At magiging mapagmatiyag sa mga nakatutuwang mga hayop tulad ng poodle na nagtitinikling, baboy na kayang mag-obstacle course at unggoy na bukod sa paglambilambitin ay kaya ding magbisikileta at magbasketball!

Lahat ng yan matutunghayan sa bagoing timeslot ng Matanglawin ngayong Linggo alas diyes ng umaga! Magbabago ang tingin mo sa mundo!

Friday, May 02, 2008

Ploning music video

Ploning Music Video
Ikaw Ang Pag-Ibig
Composed and Performed by Ogie Alcasid
Recorded in Studio Z

Concept by Dante Nico Garcia and Jourdan Sebastian.

Produced by Bj Lingan, Dawn Dizon and Nina de Torres.

Labels: